Manila, Philippines – Naghain si Sen. Grace Poe ng panukalang batas na magpaparusa sa mga taga-gobyerno na magpapakalat ng maling impormasyon.
Sa ilalim nito, pananagutin ang lahat ng opisyal at empleyado ng gobyerno na magpapakalat ng maling impormasyon o fake news sa pamamagitan ng iba’t-ibang media platforms tulad ng telebisyon at social media.
Ayon kay Poe, layon din ng panukala na amyendahan ang code of conduct and ethical standards for public officials para maging maingat lalo na ang mga nasa katungkulan sa pamamahagi ng totoo at kapanipaniwalang impormasyon.
Pero sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naaayon sa konstitusyon ang naturang panukala at masyado itong nagdidiin sa mga opisyla ng gobyerno.
Tugon ng Senadora, walang dapat na malabag na karapatan sa kanyang panukala at iginagalang nito ang freedom of speech and expression pero may kaakibat itong responsibilidad.