Maging mapagmatyag pa!- Mayor Piang

Nanawagan si Upi Maguindanao Mayor Ramon Piang sa lahat ng kanyang mga kababayan na maging mapagmatyag kasabay ng banta ng terorismo sa kanyang mapayapang bayan.

Bagaman sinasabing kontrolado na ng mga otoridad ang sitwasyon sa buong bayan matapos ang insidente noong madaling araw ng sabado patuloy na hinihimok ni Mayor Piang ang lahat na magkaisa para labanan ang mga naghahasik ng kaguluhan sa Upi.

Kahapon, nagpasa ng resolusyon ang LGU kasabay ng MPOC Meeting na suportahan ang Martial Law Extension at pagkondena sa nangyaring pag atake sa mga elemento ng PPSC at MBLT5.


Kaugnay nito iniimbetahan pa rin ni Mayor Piang ang lahat na makiisa sa kanilang Meguyaya Festival ngayong linggo. Ang bayan ng UPI ay SGLG Awardee maliban pa sa kaliwat kanang mga parangal bunsod sa pambihirang pamamalakad ng LGU.

Facebook Comments