MAGING MAPANURI │Paggawa ng blog, hindi maaaring haka-haka lang

Manila, Philippines – Kinakailangan dumaan parin sa validation ang mga impormasyong nilalagay sa isang blog.

Kasunod ito ng mainit na pagdinig ng senado kahapon hinggil sa fake news.

Para kay National Union Journalist of the Philippines (NUJP) Chairman Atty. Jo Clemente, bahagi ng freedom of expression ang paggawa ng mga blog pero hindi naman maaaring haka-haka lamang ang opinyon ng isang blogger lalo na kung opisyal ka ng pamahalaan.


Inihalimbawa pa nito si Asec. Mocha Uson, kung saan mayroon itong personal blog account.

Anya, hindi naman pwedeng ihiwalay ang personal na opinyon ni Uson sa trabaho niya bilang kalihim ng pamahalaan dahil nakakabit na ito sa kanyang pangalan.

Payo ni Clemente, dapat maging maingat si Uson sa mga pino-post sa kanyang social media account.

Samantala, nanawagan ang NUJP sa netizens na maging mapanuri sa mga nababasa sa social media.

Facebook Comments