Manila, Philippines – Nanawagan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga netizens o gumagamit ng social media na maging responsable sa pagpapakalat ng mga impormasyon sa mga pangyayari sa Marawi City.
Kasunod ito ng kumakalat na video kung saan pinagsisira ng mga miyembro ng Maute ang mga imahen ng santo sa isang simbahan sa lungsod.
Ayon kay AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla – hindi dapat magpagamit ang publiko sa mga terorista na nagpapakalat ng mga peke at nakagagalit na balita.
Paalala pa ng AFP, maging mapanuri ang mga netizen at huwag patulan ang ipinalalabas ng mga terorista.
DZXL558
Facebook Comments