MAGING RESPONSBLE | Seminar para sa mga magulang isinagawa ng CHO Dagupan!

Nagsagawa ng seminar o information dissemination patungkol sa responsible parenthood ang Dagupan City Health Office sa mga barangay kung saan layunin ng nasabing seminar ang mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga magulang tungkol sa tamang pag-plano ng pamilya.

Ayon kay Dra. Rivera, head officer ng City Health Office, Isinasagawa ang nasabing seminar upang mapag usapan at maiparating ng CHO ang kanilang layunin sa mga pamilyang kailangan ng family planning method. Pinaiigting rin nito ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang bilang ng mga anak.

“Ine-emphasize natin yung responsible parenthood in a way na magiging responsible sila when it comes to number of children na ire-raise nila. When we talk on the responsible parenthood, they should be able to provide for the food, shelter, education and health of their child. To instill sa mind ng mga parents na kailangan n ilang mag spacing atleast 3-5 years spacing at kung maaari, yung mag anak sila ng tamang bilang.”


Samantala, sakop ng seminar na ito ang 31 o ang kabuoang bilang ng mga barangay sa lungsod ng Dagupan City. Isinasagawa ang nasabing seminar ng isang buong taon. Bawat barangay ay may nakatalagang petsa na ayon na rin sa ibibigay ng mga barangay nurses na nakatalaga sa bawat barangay ng Dagupan City.

Ulat mula kay Kareen Grace Perdonio 

Facebook Comments