Maginhawa community pantry, balik-operasyon na ngayong araw

Pansamantalang isinara ang Maginhawa community pantry kahapon matapos ang issue sa red-tagging sa creator nito na si Ana Patricia Non.

Sa ngayon, kapansin pansin na mas nadagdagan ang laman ng pantry tulad ng alcohol bukod pa sa canned goods, bigas, gulay at prutas.

Ayon kay Non, tuloy lang ang pagtulong dahil hindi hamak na mas marami ang naniniwala kaysa bumabatikos.


Aminado rin ito na paminsan-minsan na nakakaramdam ng pangamba na baka sila ay maubusan pero buti na lang aniya ay buhos din ang tulong.

Sa ngayon ay aabot na sa 300 ang community pantry sa buong bansa.

Facebook Comments