Maginhawa Community Pantry, binuksan nang muli; NTF-ELCAC, nilinaw na suportado nila ang ganitong inisyatibo

Bukas na muli ang Maginhawa Community Pantry sa Quezon City na unang itinigil kahapon ng organizer na si Ana Patricia Non dahil sa takot sa mga ginawang profiling ng ilang mga otoridad.

Ayon kay Non, blockbuster o dagsa na muli ang pila ng mga kukuha at magbibigay sa community pantry at mas marami aniya ang sumusuporta sa kanila kumpara sa mga bumabatikos.

Kasunod nito, nilinaw ng tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang publiko ang nag-alarma sa kanila kaugnay sa paggamit ng mga makakaliwa sa mga itinatayong community pantry.


Sa Interview ng RMN Manila, sinabi ni NTF-ELCAC Spokesperson Lt. Gen. Antonio Parlade na may mga netizen na nagsumbong sa kanila na may kasamang propaganda ang community pantry sa ilang lugar sa bansa.

Iginiit din ni Parlade na walang problema sa pagpapakain sa kapwa kung malinis ang intensiyon at hindi ginagamit para sa pagpapatalsik sa gobyerno.

Facebook Comments