Plano ng organizer ng Maginhawa community pantry sa Quezon City na gawin na lamang hub o drop-off point ng mga donasyon ang pantry.
Ayon sa organizer nito na si Ana Patricia Non, ipapamahagi na lang ang mga donasyong iiwan sa Maginhawa community pantry sa 15 iba pang pantry.
Isa rin aniya itong paraan para maiwasan ang pila ng mga tao at makasunod sa mga health protocol laban sa pagkalat ng COVID-19.
Maliban dito, nakikipagtulungan din si Non sa Claret School of Quezon City kung saan ibinabagsak ang tone-toneladang gulay na binibili mula sa pondong nalikom ng kapatid niya sa Amerika.
Paraan din aniya ito para matulungan ang mga magsasaka sa Central Luzon at Cordillera na naapektuhan ng pandemya.
Facebook Comments