Magkahiwalay na kaso ng pamamaril naitala sa Maguindanao, 3 patay!

Patay ang tatlo katao kabilang na ang mag-asa sa magkakahiwalay na kaso ng pamamaril sa 2 bayan ng Maguindanao noong weekend.
Sa impormasyon na ipinarating sa DXMY ng PNP , unang naitala ang insidente sa bahagi na Brgy. Dlag sa bayan ng Pandag, 2:50 ng hapon noong sabado. Kinilala sa report ang naging biktima na si Taha aka Pua Salendab, 32 years old residente ng Poblacion Buluan.
Sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng paulanan ng bala mula sa mga kalibre ng M16 at 9mm base na rin sa narecover sa crime scene. Multiple gunshot wounds ang natamo ng biktima resulta ng kanyang kamatayan.
Samantala, pasado alas onse ng umaga kahapon May 3, pinagbabaril din habang sakay ng payong payong ang mag-asawang sina Mama “Tinong” Limba 60 year old , isang Cafgu na nakabase sa Sitio masalay, Salman Ampatuan at ang misis nito na si Biau, 58 anyos.
Kapwa nagtamo ng multiple gunshot wounds ang mag-asawa resulta ng kanilang kamatayan. Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng PNP sa dahilan ng pamamaril.
Patuloy namang nakaalerto ang buong hanay ng PNP sa lalawigan base na rin sa direktiba ni PD Col. Arnold Santiago.
PNP Mag PIC

Facebook Comments