Nilinaw ng Philippine Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na walang kaugnayan ang lindol na tumama sa Zambales nitong Lunes at ang lindol na yumanig sa Eastern Samar kahapon.
Ayon kay PHIVOLCS Science Research Specialist, Dr. Rommel Grutas – ang Luzon earthquake ay dulot ng paggalaw ng isang local fault sa Zambales-Pampanga area.
Ang nangyaring lindol naman sa Eastern Samar ay dulot ng paggalaw ng Philippine sea plate sa Philippine archipelago.
Ang paggalaw ng Philippine trench ay nangyari 68 kilometro sa ilalim ng lupa kaya malawak ang nakaramdam nito habang maliit lamang ang impact nito.
Facebook Comments