Magkaibang datos ukol sa presyo ng COVID-19 vaccine, napuna sa budget deliberations ng Senado

Sa budget deliberations ng Senado ay napuna ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ang magkaibang mga datos uklol sa presyo at dami ng COVID-19 vaccine na binili ng pamahalaan.

Base sa mga dokumentong natanggap ni Lacson, nitong September 5, 2021 ay nakabili ang gobyerno ng 121,132,930 doses ng bakuna na nagkakahalaga ng mahigit 62.6 hillion pesos.

Pero ayon kay Lacson, sa isa pang dokumento, nakasaad na nitong November 7, 2021 ay 121,130,000 doses ng bakuna ang nabili ng pamahalaan sa halagang mahigit 66.1 billion pesos.


Nagtataka si Lacson kung bakit sa latest report ay mas umunti ang bakuna pero mas tumaas ang presyo.

Paliwanag naman ni Senator Pia Cayetano na nagdedepensa ng proposed 2022 budget ng Department of Health (DOH), ang gumawa ng mga reports na hawak ni Lacson ay ang Department of Finance.

Pero base sa paliwanag ng DOH, mayroong 2.7 billion pesos na halaga ng bakuna ang nasa pipeline at maaring dahilan ng magkaibang datus.

Facebook Comments