Magkaibigan, Nag-inuman, Nagkainitan, Nagsaksakan, Isa Patay sa Camarines Sur

Patuloy na hinahanap ngayon ng kapulisan ang suspect ng pananaksak na kinilalang si Res Razonable, legal age, married at residente ng Sitio Quinali, Zone 1, Brgy. San Isidro bayan ng Libamana sa Camarines Sur.
Ayon sa report bandang alas 9:30 ng gabi kahapon nag-iinuman umano ang suspect at biktimang si Jayson Rolan Godeloson, edad 29, single, at residente ng kaparehong lugar.
Nagkaroon umano ng diskusyonb ang magkaibigan habang nagtatagay-tagay subalit nauwi ito sa pagtatalo. Nagkainitan ang dalawa hanggang sa inundayan ni cortez ng tatlong magkasunod na saksak ang biktimang si Godoleson.
Tinamaan ang biktima sa tagiliran at dibdib. Sinikap pang dalhin sa Libmanan District Hospital ang biktima subalit dineklara na itong dead on arrival.
Mabilis namang tumakas ang suspect na hanggang sa mga oras na ito ay subject ng hot pursuit operation ng Libmanan PNP.
Kasama mo sa balita at serbisyo publiko, RadyoMaN Manny Basa, Tatak RMN!

Facebook Comments