Magkaibigan, Patay nang Matabunan ng Gumuhong Lupa

61

Cauayan City, Isabela- Patay ang dalawang magkaibigan matapos matabunan ng gumuhong lupa ang kanilang tinuluyang bahay kagabi sa Barangay Kinakin, Banaue, Ifugao.

Kinilala ang mga biktima na sina Emiliano Lupais, 40-anyos at Ernesto Ceraos, 59-anyos na kapwa residente sa naturang lugar.

Sa panayam ng iFM Cauayan kay PMAJ. Michael Dangilan, hepe ng PNP Banaue, posibleng dahil sa tuloy-tuloy na ulan ang dahilan ng paglambot ng lupa na sanhi ng pagguho nito at ikinasawi ng dalawang biktima.


Aniya, gawa sa light materials ang bahay kaya’t madali itong nasira at aksidenteng matabunan ng lupa ang mag biktima.

Maswerte namang walang malaking pinsala sa mga katabing bahay ang nangyaring landslide.

Dakong alas-2:00 kaninang madaling araw ng matagpuan nalang ang kanilang katawan ng mga rumespondeng pulis at tauhan ng BFP matapos ang ginawang search and retrieval operation.



Matatandaang gumuho rin ang malaking bahagi ng lupa sa isang paaralan sa parehong barangay.

Facebook Comments