MAGKAISA AT TUMULONG | Malacañang, tiniyak na tutuparin ni P-Duterte ang kanyang mandato

Manila, Philippines – Nagpasalamat ang Palasyo ng Malacañang sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mamamayan kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa good news report ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque ay ibinida nito na mataas ang nakuhang trust at approval ratings ni Pangulong Duterte sa last Quarter Survey ng Pulse Asia.

Batay sa survey ay nakakuha si Pangulong Duterte ng 80% approval ratings at 82% naman ang nakuhang trust ratings.


Ayon kay Roque, magpapatuloy lang ang trabaho ni Pangulong Duterte at patuloy na tutuparin ang kanyang mandato para sa bayan.

Umapela din naman sa Taumbayan ang Malacañang na magkaisa at tumulong sa pamahalaan para malutas ang problema sa kahirapan, iligal na droga at katiwalian.

Facebook Comments