Manila, Philippines – Ipinapanalangin ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang pagbuti ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na inamin ni Pangulong Duterte na pumunta siya sa Cardinal Santos Medical Center para suriin ang kanyang digestive tract.
Ayon kay CBCP President Davao Archbishop Romulo Valles – ipinagdarasal nila na bumalik na ang maayos na kalusugan ng Pangulo para maipagpatuloy nito ang pagpapatakbo ng bansa.
Nanawagan din ang CBCP sa publiko na ipanalangin din ang Pangulo.
Facebook Comments