Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na patuloy na ipaglaban ang malayang pamumuhay.
Ito’y nakasaad sa kanyang mensahe kasabay ng paggunita ng ika-32 taong anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Sinabi ng Pangulo, mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas nang ipamalas ng mga Pilipino sa buong mundo ang tapang at paninindigan na baguhin ang kasaysayan.
Ang mapayapang rebolusyon aniya ay simbolo ng paninindigan na ipaglaban ang tama.
Nanawagan din ng pagkakaisa ang pangulo at pagyamanin pa ang ating demokrasya sa pamamagitan ng pagpapalakas sa ating mga mamamayan.
Ang tema ng paggunita sa EDSA revolution ngayong taon ay “EDSA 2018
Facebook Comments