Magkakaibang panuntunan sa mga tourist destination area, dapat alam ng mga local tourist ayon sa PNP para iwas abala

Dahil magkakaiba ang panuntunan ng mga LGU sa pagtanggap ng mga local tourist, kaya payo ng Philippine National Police (PNP) mas mabuting alamin muna ito ng mga local tourist bago bumiyahe patungo sa isang tourist destination area.

Ito ang paalala ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar kasunod ng anunsyo ng Malacañang na binubuksan na ang lokal na turismo sa buong bansa.

Paliwanag ni PNP Chief, may kaniya-kaniyang rules and regulation ang mga LGU na kailangang sundin ng mga local tourist at para iwas abala kailangan itong sundin.


Nagpapatuloy naman ang pagbabantay ng mga tauhan ng PNP para masiguro na nasusunod ang mga heath protocols dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

Dagdag pa ni General Eleazar na alam niyang marami sa mga Filipino ang sabik nang bumiyahe dahil sa mahabang Quarantine, pero importante pa rin aniyang nasusunod ang mga health protocols.

Facebook Comments