MAGKAKAISA | Facebook at OWWA, magtutulungan para sa pagsusulong ng digital literacy

Manila, Philippines – Makikipagtulungan ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa social media giant na facebook para magbigay ng digital literacy at small business training programs sa mga OFW.

Ito ay matapos lumagda ng memorandum of agreement sina OWWA Chief Hans Cacdac at facebook Asia-Pacific Director for Community Affairs Clair Deevy bilang bahagi ng national celebration of migrant workers day.

Ayon kay Cacdac, ang isang oras na digital literacy module ay ihahandog sa mga papaalis na OFW habang ang mga informational videos ay ilalabas sa mga OWWA offices at ipo-post sa mga online platforms.


Makakatulong aniya na hasain pa ang entrepreneurship skills ng mga OFW sa pamamagitan ng mga seminar.

Facebook Comments