MAGKAKAISA | Malawakang kilos protesta sa Araw ng Kalayaan, nakahanda na

Manila, Philippines – Kasado na ang mga pagkilos na isasagawa ng mga grupong Independence Day Movement sa Araw ng Kalayaan sa a-12 ng Hunyo na may temang June 12 Independence Day: Ipaglaban ang Inang Bayan.

Binubuo ito ng iba’t-ibang sektor at mga samahan, kabilang na rito ang Bayan, Sentro, #Babaeako, Gabriela , National Council of Churches of the Philippines o NCCP at pamilya ng mga biktima ng EJK o Extra Judicial Killings.

Kasama sa mga tatalakaying usapin ang kalagayan ng mga Pilipino, militarisasyon ng China sa mga inaagaw na teritoryo ng Pilipinas, o West Philippine Sea, karahasan, karapatan ng mga kababaihan, karapatang-pantao, disenteng pasahod, pagbabago sa Saligang Batas, presyo ng mga bilihin at serbisyo, kontraktwalisasyon at peace talk sa pagitan ng GRP at NDF.


Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes, lumala ang sitwasyon ng mga batayang sector kasama na rito ang pananakot at panggigipit sa kahirapan ng mga ahente ng pamahalaan.
Magtitipon ang mga grupo ng militante sa iba’t-ibang lugar sa Maynila saka sila magmamartsa sa Liwasang Bonifacio kung saan idaraos nila ang kanilang programa.

Facebook Comments