MAGKAKAISA | Tindig Pilipinas, nagkasa ng Solidarity Gathering bukas kasabay ng Araw ng Kalayaan

Manila, Philippines – Kasabay ng selebrasyon ng Araw ng Kalayaan bukas, nagkasa ng Solidarity Gathering ang grupong Tindig Pilipinas.

Ayon kay Shebana Alqaseer, ang pagsasama sama ng ibat-ibang puwersa ay magpapakita ng paninindigan sa kalayaan at demokrasya sa paggunita ng 120th Independence Day.

Kokondenahin ng coalition ang umano ay kultura ng karahasan, korapsyon at kawalan ng kakayahan ng rehimeng Duterte.


Bandang 4:00 ng hapon ay magtitipon tipon ang ibat-ibang grupo na nasa ilalim ng Tindig Pilipinas sa Bahay ng Alumni, UP Diliman, Quezon City.

Inaasahan na magiging panauhing tagapagsalita ang napatalsik na Chief Justice na si Ma. Lourdes Sereno

Facebook Comments