MAGKAKALOOB | Mga tauhan ng MMDA, may matatanggap na mga body cameras

Manila, Philippines – Sa layuning mas mapagbuti pa ang serbisyo sa mga motorista.

Magkakaloob ang Grab Philippines ng 100 body cameras sa Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Tatanggapin ito ni MMDA Chairman Danny, ang mga nabanggit na body cam mula sa Grab sa pangunguna ni Country Head Brian Cu sa flag raising ceremony mamaya.


Ayon kay Chairman Lim, malaking tulong ang mga body cam upang mawala ang agam-agam ng mga motorista sa mga tauhanan ng MMDA lalo na sa isyu ng korapsyon.

Sa kabilang banda, malaking tulong din aniya ang mga camera sa MMDA para sa mga motoristang magtatangkang suhulan ang kanilang mga enforcers.

Facebook Comments