Magkakamag-anak na tulak ng droga, arestado sa raid ng PDEA

Manila, Philippines – Bitbit ang search warrant na inisyu ni Elmo Almeda ng Makati RTC branch 150 , sinalakay ng PDEA ang compound sa Pateros St. Brgy. Olimpia, Makati City, target dito ang magkaka-anak na umano’y tulak ng droga.

Arestado ang magpinsan na sina Marife Oliman Evengelista at Kim Ian gomez, 26 habang nakatakas sinaCesar Oliman, Kina Gomez at isang alyas Makol.

Ayon kay PDEA South Sector Team Leader Jay Lacap , nasamsam sa loob ng bahay ni Marife ang 69 na piraso ng transparent plastic sachet na umanoy shabu ,pitong pirasong sachet naman sa loob ng bahay ni Kimmy ,apat na pirasong sachet naman sa loob din ng bahay ng alyas Ely na pinaghahanap din.


Ayon kay PDEA NCR Regional Director Ismael Fajardo, matagal na ang kalakaran ng pagtutulak ng illegal na droga ng mga magkakamag-anak at hindi sila tumitigil sa kabila ng war on drug ng Pangulong Duterte.

Ayon pa kay Fajardo, mahigit sa sampung indibidwal ang inabutan sa loob ng compound na isasailalim sa beripikasyon at drug test.

Facebook Comments