Bagaman panahon pa lamang ng Certificate of Candidacy, ramdam na ramdam na ang init ng papalapit na 2019 Midterm elections sa Maguindanao at Cotabato City.
Kaugnay nito sinasabing magmumula pa rin sa iilang kilalang mga angkan ng lalawigan at syudad ang inaasahang maglalaban- laban bukod pa sa magkakalapit lamang rin ang mga itong mga magkakamag-anak.
Sa Maguindanao, Mangudatadatu kontra Magundadatu lamang din ang maglalaban sa posisyon ng pagiging Gobernador, itoy sa pagitan ni Mayor Freedie Mangudadatu , kapatid ng kasalukuyang gobernador na si Toto Mangudadatu at Mayor Bai Mariam Sangki- Mangudadatu,maybahay ni Sultan Kudarat Congressman Teng Mangudadatu.
Ilang Ampatuan rin ang maglalaban kontra Ampatuan. Kabilang na rito sa bayan ng Datu Unsay sa pagitan ni Laila Ampatuan, maybahay ng namayapang si Governor Andal Ampatuan kontra kay Datu Ackmad “OPING” Ampatuan Jr., habang sa bayan ng Shariff Aguak ay nakapaghain na rin ng kanilang COC ang nagbabalik politika na si 2 term Mayor Bai Zahara Upam Ampatuan kontra sa incumbent Mayor Datu Marop Ampatuan.
Sa Cotabato City nakapaghain na rin sina incumbent Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi at makakatapat nito sa pagkaalkalde si Congresswoman Bai Sandra Sema, sinasabing hindi ring magkalayong magkamag-anak.