
Red flags para kay Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang magkakaparehong alokasyon para sa mga multipurpose building sa iba’t ibang rehiyon o mga distrito sa buong bansa na nagkakahalaga ng 50-million pesos.
Pinuna ito ni De Lima sa deliberasyon sa plenaryo ng Kamara para sa panukalang 2026 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Nangangamba si De Lima na maaring matulad ito sa mga ghost flood control projects.
Paliwanag naman ni Surigao del Sur Rep. Romeo Momo, na syang sponsor ng DPWH budget, ang magkakaparehong halaga ng pondong nakalaan sa mga multipurpose building ay base sa “standard design” ng ahensya.
Sinigurado din ni Momo na sinuring mabuti ng DPWH ang mga proyektong multipurporse buildings kaya walang kahina-hinala dito.









