Nananatiling mga pinakamayamang tao sa Pilipinas ang magkakapatid na Sy – ang mga anak ng pumanaw na business tycoon at founder ng SM na si Henry Sy.
Batay sa Riches List ng Forbes Magazine, ang magkakapatid na sina Teresita, Elizabeth, Henry Jr., Hans, Herbert at Harley ay nananatiling pinakamayamang tao sa bansa na may pinagsamang net worth na nagkakahalaga ng $13.9 billion.
Si Hans, chairperson ng National University at China Banking Corporation ang may mataas na net worth sa magkakapatid na nasa $2.5 billion kung saan siya ang 1,063rd richest person sa buong mundo.
Ang ikalawa sa pinakamayaman ay si dating Senator Manuel Villar, Chairperson ng Vista Mall na may net worth na nasa $5 billion at 450th richest person sa buong mundo.
Kukumpleto sa Top 10 ay sina:
- Enrique Razon Jr. ng International Container Terminal Services ($4.3 billion)
- Lance Gokongwei and kanyang mga kapatid ng JG Summit ($4.1 billion)
- Jaime Zobel de Ayala ng Ayala Group ($3.6 billion)
- Alliance Global Chairman Andrew Tan ($2.3 billion)
- LT Group Chairman Lucio Tan ($2.2 billion)
- San Miguel Corp. President Ramon Ang ($2 billion)
- Jollibee Foods Corp. Chairman Tony Tan Caktiong ($1.9 billion)
- Lucio at Susan Co ng Puregold Price Club($1.7 billion).
Ang kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Dennis Uy ng Mislatel Consortium ay ika-22 ngayong taon na may net worth na nasa $650 million.
Ang pinakamalaki ang ini-angat ay si Edgar Sia II, Chairperson ng DoubleDragon Properties kung saan nasa $300 million ang nadagdag sa kaniyang net worth na umaabot na sa $700 million.