Magkakapatid na Sy, nangunguna sa listahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino sa bansa ngayong taon

Nangunguna ang anim na anak ng kilalang founder ng SM Investments na si Henry Sy Sr., sa listahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino sa bansa ngayong taon.

Sa listahan na inilabas ng Forbes Asia, nasa unang pwesto ang “Sy Siblings,” na sina Teresita Sy, Elizabeth Sy, Henry Sy Jr., Hans Sy, Herbert Sy, at Harley Sy, na may kabuuang net worth na 12.6 billion US dollar.

Karamihan sa net worth ng magkakapatid ay binubuo ng stakes na hawak ng publicly traded SM Investments at SM Prime.


Matatandaang si Henry Sy Sr. ang pinakamayamang tao sa Pilipinas sa loob ng labing-isang taon na mayroong net worth na 18.3 billion US dollar noong 2018, isang taon bago siya mamatay.

Samantala, kabilang din sa listahan ng pinakamayayamang Pilipino ay sina:

• Manny Villar ($7.8 bilyon)
• Enrique Razon Jr. ($5.6 bilyon)
• Lance Gokongwei at mga kapatid ($3.1 bilyon)
• Pamilya Aboitiz ($2.9 bilyon)
• Isidro Consunji at mga kapatid ($2.65 bilyon)
• Tony tan Caktiong at pamilya ($2.6 bilyon)
• Jaime Zobel de Ayala at pamilya ($2.55 bilyon)
• Ramon Ang ($2.45 bilyon)
• Andrew Tan ($2.4 bilyon)

Bumaba ang pinagsamang kaperahan ng 50 pinakamayayamang Pilipino sa 72 billion US dollars ngayong taon, mula sa 79 billion US dollars noong 2021.

Facebook Comments