Magkakapatid sa New York, nakausap pa ang ama sa telepono ng 30 oras bago pumanaw dahil sa COVID-19

Bago tuluyang pumanaw dahil sa COVID-19, nagawa pang makausap ng apat na magkakapatid ang kanilang ama sa loob ng 30 oras sa pamamagitan ng telepono.

Nasa ospital noon at nag-iisa ang amang si Don Adair,76, matapos itong magpositibo sa coronavirus at noo’y nakikipaglaban sa sakit.

Nagpasya ang nurse ng ospital na ilagay malapit sa tenga ni Adair ang telepono para makausap ang kanyang anak na babae na si Abby Adair Reinhard.


Ayon sa report ng USA Today, nananatili noon sa ospital sa Rochester, New York si Don, hindi aabot sa 5 milya ang layo mula sa tinitirhan ni Reinhard.

Nang tawagan na nito ang tatay, kinonekta niya agad sa tatlo pa niyang mga kapatid ang telepono kung saan nagkaroon ng oras na makapag-usap ang mag-aama.

“I was able to say what I needed to say, knowing it was the end, and even though I couldn’t see him and I couldn’t hold his hand, having that connection over the phone was incredibly valuable,” aniya.

Dagdag pa ni Reinhard, hindi na raw gaanong makapagsalita noon ang ama ngunit buo daw sa pandinig ng magkakapatid ang bawat paghinga nito.

Nasabi rin daw nila kung gaano nila kamahal ang kanilang tatay kahit nasa ganoong kalagayan na ito.

“And so we just had time together,” saad ni Reinhard.

Facebook Comments