Nakikita ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na ang magkakasunod na lindol sa Davao del Sur kahapon ay posibleng bunga ng paggalaw ng Makilala-Malungon fault.
Ayon kay PHIVOLCS Director Undersecretary Renato Solidum, hindi pa nailalabas ng naturang fault ang naipon nitong enerhiya.
“Sa tingin namin yung western plate ng Makilala-Malungon Fault ang gumalaw,” dagdag ni Solidum sa isang radio interview.
Matatandaang naitala ang magnitude 6.1 na lindol sa Davao del Sur alas-12:22 ng tanghali at ang episentro ay nasa limang kilometro timog-kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur.
Bago ito isang 4.8 na lindo ang naitala sa nasabing lalawigan dakong alas-7:28 ng umaga.
Facebook Comments