Magkakasunod na pananalasa ng mga bagyo noong 2024, patunay na kailangang itatag ang Department of Disaster Resilience

Umaapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga kasamahang mambabatas na ipasa na bago matapos ang 19th Congress ngayong 2025 ang panukala na magtatatag sa Department of Disaster Resilience (DDR).

Ayon kay Villafuerte, ang magkakasunod na mga bagyo na bumayo sa bansa noong 2024 ay patunay na dapat magkaroon ng Department of Disaster Resilience.

Diin ni Villafuerte, ang DDR ang titiyak na ang bawat komunidad ay magiging matatag laban sa mga epekto ng mga kalamidad tulad ng mga bagyo.


Binanggit ni Villafuerte na ang DDR ang mangunguna at mag-oorganisa ng mga hakbang para sa paghahanda sa mga kalamidad at ang pagbangon at rehabilitasyon ng mga naapektuhan lugar sa bansa.

Sa ngayon, ang pagtugon ng pamahalaan sa mga kalamidad ay isinama lang sa trabaho ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na pinangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD) na nasa ilalim naman ng Department of National Defense (DND).

Facebook Comments