Magkapatid, Binaril ng Sariling mga Pinsan

128

Cauayan City, Isabela – Nauwi sa barilan ang mainit na pagtatalo ng magpipinsan dahil sa personal na alitan sa Baggao, Cagayan kahapon.

Nangyari ang pamamaril dakong alas singko kahapon sa Sitio Mosimoc, Barangay Bitag Pequeno, Baggao, Cagayan ng magkapatid na suspek na kinilalang sina Gringo Marcos, 30 anyos at Joan Marcos, 39 anyos, parehong magsasaka habang nagkakape ang mga biktimang magkakapatid na sina Benedicto Martinez, 31 anyos at Bernardo Martinez Jr., 21 anyos at residente din ng nabanggit na lugar.


Ayon kay Police Captain Gil Pagulayan, hepe ng Baggao Police Station, dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo sa bahay ng biktima at walang ka abug abog na pinagbabaril ang mga biktima gamit ang 12 gauge shotgun kung saan tinamaan si Benedicto sa kanyang kamay at paa habang si Bernado ay nagtamo naman ng tama ng bala sa kanyang tuhod. Agad naman silang dinala sa Baggao District Hospital at parehong nasa maayos na kalagayan ngayon.

Sa hot pursuit operation ng PNP Baggao ay agad na nakorner ang mga suspek sa Brgy. Nanguilatan, Penablanca, Cagayan kung saan narekober din ang ginamit na baril malapit sa kanilang bahay.

Sumailalim na sa inquest proceedings ang mga suspek na nahaharap sa kasong Frustrated Murder.

Tags: Baggao, Cagayan, 98.5 iFM Cauayan, RMN Cauayan, PNP Baggao, *Gil Pagulayan, Sitio Mosimoc, Barangay Bitag Pequeno



Facebook Comments