Magkapatid, Huli sa aktong Pagbebenta ng Iligal na Droga

33

Cauayan City, Isabela- Huli ang magkapatid na pawang mga truck driver at helper nito sa ikinasang drug buy-bust operation bandnag 11:40 kaninang umaga sa Brgy. Del Pilar, Cabatuan, Isabela.


Kinilala ang mga suspek na sina Ronie Boy Martinez, 35-anyos, at kasalukuyang naninirahan sa Roxas, Isabela at Edmike Martinez, 23-anyos, at naninirahan sa Bayan ng Gamu at kapwa tubong Dumaguete City.

Ayon sa imbestigasyon ng Cabatuan Police Station, positibong napagbentahan ng mga suspek ng dalawang (2) plastic sachet ng hinihinalang shabu ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P1,000.

Agad na dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasailalim sa drug test examination.

Nahaharap ang dalawa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments