Magkapatid, Huli sa Pagbebenta ng Iligal na Droga

390

Cauayan City, Isabela- Sinampahan na ang magkapatid ng kasong may kaugnayan sa iligal na droga matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Brgy. Guibang, Gami, Isabela kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina John Steven Solomero, 27-anyos (PNP HVI Regional Priority Target Listed at PDEA Provincial Target Listed), isang helper at Steve Solomero, 22-anyos, isang estudyante at kapwa residente sa nasbaing lugar.


Ayon sa mga awtoridad, positibong napagbentahan ng magkapatid ang isang operatiba na nagpanggap na poseur buyer kapalit ang P7,000 na buy bust money kaya’t agad na dinakip ang mga ito.

Nakumpiska sa pag-iingat ng isa sa mga suspek ang P1,000 at isang (1) pakete ng sigarilyo na naglalaman ng 13 piraso ng sachet ng shabu habang kumpiskado rin ang motorsiklo na walang plaka.

Idinala na sa Provincial Jail ang mga suspek na nahaharap sa kasong RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments