Magkapatid, kabilang sa mga nalambat sa buy bust operation sa QC

Arestado ang dalawang magkapatid sa buy-bust operation ng Quezon City Police District sa Brgy. Pasong Putik, QC.

Kinilala ang mga suspek na sina Renz Axl Dabuet, 23 at ang kapatid na si John Harold Dabuet, 20 anyos.

Naaresto ang magkapatid sa Abe Maria, Maligaya Park Land Subdivision matapos makabili  ng P100 pisong halaga ng marijuana ang isang tauhan ng Station Anti Drugs Unit ng Police Station 5 na umaktong poseur buyer.


Narekober sa mga suspek ang nasa 331 grams ng dried marijuana leaves na may street value na mahigit P33,000 at ang cellular phone na gamit sa transaksyon.

Facebook Comments