Magkapatid, Mahaharap sa Patung-patong na Kaso!

*Gamu, Isabela**- *Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 at Omnibus Election Code ang dalawang magkapatid na lalaki dahil sa pagdadalala ng iligal na baril.

Nakilala ang naarestong magkapatid na sina Vicente Bilog, 52 anyos at Elfeo Bilog, 49 anyos, kapwa magsasaka at residente ng Brgy. Mabini, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, mismong ang Brgy Kapitan ng nasabing lugar ang nagreport sa himpilan ng PNP Gamu kaugnay sa pagtatalo ng magkapatid at sa nagngangalang Danilo Carreon partikular sa isang bukirin sa brgy Rizal, Gamu, Isabela.


Sa pagresponde ng mga pulis ay naaktuhan ng mga ito na may dala-dalang isang Cal 45 na baril na may dalawang live ammunitions si Vicente habang si Elfeo naman ay may hawak na isang homemade shotgun na may isang live ammunition.

Hinanapan ng mga kaukulang dokumento ang dalawang Bilog subalit walang maipakitang anumang papeles kaugnay sa kanilang hawak na baril.

Dinala na sa PNP Gamu ang dalawang suspek na nakatakdang sampahan ng kanilang kaukulang kaso.

Facebook Comments