Magkapatid na amasona, muling nagkita matapos na sumuko sa militar sa Bukidnon

Matapos ang dalawang taong pagkakahiwalay, muling nagkita ang magkapatid na amasona sa Poblacion, Impasugong Bukidnon makaraang sumuko na sa militar.

Sa ulat ni 2nd Lt. Camille Bumatay, Civil Military Operation Officer ng 8th Infantry Batallion ng Philippine Army ang magkapatid na babae na dating mga rebelde ay sina alyas “Gaya”, ang Platoon Medic ng Sub-Regional Sentro De Grabidad Peddler at alyas “Peme”, ang Platoon medic ng Pulang Baganing Yunit ng Guerilla Front 89.

Ang kanilang grupo ay parehong Sub-Regional Committee ng North Central Mindanao Regional Command.


Ang magkapatid ay parehong miyembro ng New People’s Army (NPA) pero noong November 16, 2018 unang sumuko sa militar si Peme, 28-anyos.
Pagkatapos ng dalawang taon, sumuko naman ang kanyang kapatid na si “Gaya”, 25-anyos sa militar nitong September 17, 2020.

Nang magkita sa kampo ng militar sa 8th Infantry Batallion ang magkapatid, nag-iiyak at nagyakapan ang dalawa.

Dahil sumuko na sila sa gobyerno makakatanggap sila ng benepisyo mula sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program ng gobyerno.

Facebook Comments