MAGKAPATID NA BABAE, NAGNAKAW SA ISANG MALL SA LUNGSOD NG SAN CARLOS

Huli ang dalawang babae matapos magnakaw sa isang malaking grocery store sa Brgy. Palaris, San Carlos City.

Nakilala ang mga suspek na sina Scarlet Silene Cardaño, 30-gulang at si Ailene Renato Cardaño naman ay 36-anyos, parehong residente ng Brgy. Bolingit sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa report mula sa San Carlos City Police, napansin umano ng watcher ng grocery store na si June Lopez ang kakaibang ikinikilos ng dalawang babae.


Sinundan niya ito hanggang sa nakita niyang nilagpasan lamang ng mga ito ang counter at dire-diretsong lumabas. Hinabol nila ang dalawa hanggang sa mahuli ang mga ito.

Narekober sa dalawa ang mga ninakaw na items na nagkakahalaga ng mahigit sa P2,000.

Kasalukuyang nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga suspek at inihahanda na ang kasong pagnanakaw laban sa kanila.###

Facebook Comments