Dalawang kabataang Binmalenian ang nagbigay-dangal sa bansa matapos magwagi sa International Science at Mathematics Olympiad Competitions of Southeast Asia (ISOCSEA at IMOCSEA) na ginanap sa Osaka, Japan noong Disyembre 19 hanggang 22, 2025.
Si Citrine Neo B. Aquino, Primary 4 ay nagkamit ng Diamond Award sa International Science Olympiad at Silver Award sa International Mathematics Olympiad.
Samantala, si Purple Faith B. Aquino, Primary 6, ay tumanggap naman ng dalawang Silver Awards sa parehong international competitions.
Bukod dito, kapwa rin nagwagi ang magkapatid ng mga parangal sa ADEPT Olympiad Global Round 2025, patunay ng kanilang kahusayan sa Science, Mathematics, at English.
Ang kanilang tagumpay ay nagpapakita ng mataas na antas ng kakayahan ng kabataang Pilipino sa larangan ng agham at matematika sa pandaigdigang antas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










