Magkapatid na Curry, maghaharap sa NBA Finals

Sa kauna-unang pagkakataon sa kasaysayan ng NBA magkapatid laban sa magkapatid ang mangyayari sa finals ng Western Conference.

Maglalaban sina defending champion Golden State Warriors Guard player na si Stephen Curry at Portland Trail Blazers guard player Seth Curry sa Mayo 15 (Manila time).

Ayon kay Seth Curry ng Blazers – “dream come true” ang seryeng ito dahil makakalaban niya ang nakatatandang kapatid.


Dagdag pa ng nakababatang Curry – na mas magiging akresibo at matinding salpukan ang mangyayari sa third quarter ng laban.

Biro naman ang kanilang mga magulang na sina Dell at Sonya Curry na kailangan pa nilang maghiwalay para masuportahan at makadalo sa “big game” ng kanilang dalawang anak.

Facebook Comments