First Time man ng magkapatid na Dagupeño na makilahok sa international competition na Horizon Olympiad Global Round sa New York, USA, dalawang gintong medalya ang naiuwi agad nina Purple Faith at Citrine Neo Aquino.
Hinirang na Top 1 Ultimate Winner at gold awardee si Purple Faith habang gold medalist din ang kapatid na si Citrine Neo.
Sa murang edad pinatunayan ng magkapatid ang angking kagalingan ng mga Pangasinense na makipagtagisan sa ibang bansa.
Bukod sa medalya, baon nila pag-uwi ang masayang karanasan, nakilalang mga dayuhang kaibigan at ang supportive at proud na magulang sa kanilang tagumpay.
Ang nasabing kumpetisyon ay nag-aalok ng pagkakataon na makakuha ng scholarship sa isang Unibersidad sa Brooklyn.
Ang pagkapanalo ng magkapatid ay hindi lamang nagpapakita ng kanilang talento at talino kundi nagbibigay din ito ng liwanag sa potensyal ng mga Pilipino. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







