Magkapatid na gagraduate ngayong Abril, patay sa VA sa DOS

33

Patay ang magkapatid na na mga istudyante ng Talayan National High School matapos mabundol ang kanilang sinasakyang XRM 125 Motorcycle ng isang Passenger Van sa national highway, tapat lamang ng MSU sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao pasado alas syete kagabi. Kinilala ni PCI Lendsy Sinsuat, COP ng DOS PNP ang mga biktima na sina Alasin Datu Manguda at kapatid nitong si Asnaira na kapwa idineklarang dead on arrival sa hospital. Sinasabing kapwa mga graduating students ng High School at Senior High ang mga nasawi. Kasalukuyang nasa kustodiya naman ng DOS MPS ang driver ng nakabundol na van na si Alimudin Felmin na residente ng Cotabato City. Sinasabing nagka settle na rin ang pamilya ng mga nasawing biktima at operator ng Van. Contributed Pics:

Facebook Comments