Magkapatid na Gatchalian, pinayagang makalabas ng bansa ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Pinayagan ng Sandiganbayan Fourth Division ang hiling ng magkapatid na sina Senator Sherwin Gatchalian at Valenzuela Rep. Weslie Gatchalian na sumama sa biyahe ni Pangulong Duterte sa Russia.

Sa magkahiwalay na resolusyon, pinayagan ang dalawa na makaalis mula Mayo 22 hanggang 27.

Ang magkapatid ay pumayag na gamitin muli ang kanilang conditional arraignment noong Oktubre.


Hindi na rin nila kinuha ang P270,000 travel bond na ibinigay nito sa korte noong Oktubre para sa kanilang mas naunang biyahe kaya ito na rin ang gagamitin nilang travel bond sa biyaheng ito.

Bukod dito pinayagan din ng korte ang hiling ni Rep. Gatchalian na pumunta sa Toronto, Canada sa Hunyo 4 hanggang 18.

Si Rep. Gatchalian ay nauna ng pinayagan ng korte na bumiyahe sa China, Dubai, United Arab Emirates, Taiwan at Japan.

Nahaharap ang magkapatid sa mga kasong kriminal kaugnay ng anomalya umano sa pagbili ng Local Water Utility Administration sa Express Savings Bank Inc., na pagmamay-ari ng kanilang pamilya.
DZXL558

Facebook Comments