Dalawang itinuturing na most wanted sa kasong pagpatay ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Barangay La Paz, Umingan, Pangasinan.
Unang naaresto ang isang 37-anyos na lalaki na nasa talaan bilang Top 4 Most Wanted sa rehiyon, at Top 6 rin sa antas ng lalawigan at bayan, habang sunod na nadakip din ang isa pang suspek na 41 taong gulang at kabilang bilang Top 3 Most Wanted sa buong rehiyon ang nahuli rin sa parehong barangay.
Kinumpirma ng kapulisan na ang dalawang sangkot sa nasabing kaso ay magkapatid.
Naaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest at walang inirekomendang pyansa.
Nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya para sa tamang disposisyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









