Magkapatid na Magsasaka, Arestado sa Pag-iingat ng mga Baril at Granada!

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng kapulisan ang dalawang magkapatid na magsasaka matapos masamsaman ng mga baril at granada sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Cutog Pequeno, Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Gilbert Tadeo, 29 anyos at Randy Tadeo, 41 anyos, kapwa residente ng Brgy. Cutog Pequeno ng bayan ng Reina Mercedes.

Dakong alas 8:40 kaninang umaga nang isilbi ang Search Warrant sa bahay ng dalawang suspek kung saan nakumpiska sa pag-iingat ni Gilbert ang isang (1) unit ng revolver .38 na may tatlong (3) bala habang nasamsam naman sa bahay ni Randy ang isa pang unit ng revolver .38 na may 5 bala at isang (1) granada.


Agad na dinala sa himpilan ng PNP Reina Mercedes ang dalawang suspek maging ang mga nakumpiskang baril at granada para sa karagdagang imbestigasyon.

Inihahanda ng pulisya ang kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na isasampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments