Magkapatid na Magsasaka sa Tumauini Isabela, Arestado sa Pagsunog sa Isang Daang Puno ng Mangga!

Tumauini, Isabela – Inaresto ng mga otoridad ang magkapatid na magsasaka dahil sa kanilang kasong pagsunog ng isang daang puno ng mangga kamakailan sa Brgy. Minanga, Tumauini, Isabela.

Ayon kay Police Chief Inspector Eugenio Mallilin, hepe ng Tumauini Police Station, kinilala ang magkapatid na sina Juan Tamma at Melanio Tamma, pawang mga senior citizen at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sinabi pa ni PCI Mallilin na nahuli ang dalawang akusado dahil sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan Isabela dahil sa kasong Other Forms of Arson.


Dinala na sa Tumauini Police Station sina Tamma para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang Php120,000.00.

Facebook Comments