Magkapatid na may kasong murder, arestado sa Lungsod ng Pagadian

Pagadian City, Zamboanga del Sur – Matapos ang apat na taong pagtatago, naaresto sa Pagadian City ang ika-lima sa “most wanted” list ng lungsod, kasunod sa pinaigting na operasyon sa pagdakip sa mga kilalang criminal sa Pagadian.
Arestado kahapon ang magkapatid na sina Noel Caw-it at Ruperto Caw-it, na may warrant of arrest sa kasong murder na inisyu ni Judge Rolando Goan ng Regional Trial Court, Branch 21, 9th Judicial Region kung saaan walang pyansang inirekomenda para sa kanilang pansamantalang kalayaan.
Isinigawa ang operasyon sa Prk. Malipayon, Brgy. Bulatok, Pagadian City. Ayon kay Psi Oscar Buenaobra ng Intelligence Section, si Noel ang top 5 most wanted person ng lungsod.
Siniguro ni Buenaobra na lalo pa nilang paiigtingin ang paghanap at pagdakip sa ibang nasa listahan. ( RMN Pagadian Kenneth Bustamante)

Tags; RMN-DXPR Pagadian 603, Mel Coronel, Kenneth Alvin Bustamante, DZXL 558, The Sound of the Nation

Facebook Comments