Magkapatid na miembro ng BIAF MILF biktima ng pamamaril sa bayan ng Pikit North Cotabato isa patay

Patay on the spot ang isang lalaki habang sugatan naman ang kanyang kapatid sa panibagong pamamaril na naganap sa barangay Gli-Gli sa bayan ng Pikit sa lalawigan ng Cotabato pasado alas 2:00 ng hapon kahapon.
Kinilala ni Police Chief Insp. Romy Du-ot Castañares, hepe ng Pikit Municipal Police Station ang mga biktima na si Azmie Omar Akbar, 34 anyos, may asawa at si Laipe Omar Akbar 22 anyos, kapwa kasapi ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front(MILF) at residente ng Barangay Balong Pikit Cotabato.
Naliligo sa kanyang sariling dugo ang nasawing biktimang si Azmie ng abutan ng mga elemento ng Pikit Pnp sa lugar kung saan doon sila pinagbabaril ng di-nakikilalang mga suspek.
Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang labing anim na basyo ng kalibre 45 pistola nasiyang ginamit ng mga suspek sa krimen.
Ayon naman sa salaysay ni Laipe galing umano sila sa kanilang tahanan sakay ng motorsiklo, upang ihatid si Azmie sa bayan ng Datu Piang para magduty bilang task force member ng MILF, ngunit pagdating sa Lining ng National Irrigation Administration o NIA sa barangay Gli-Gli ay nakasalubong nila ang dalawang lalaki at walang sabi sabi silay pinagbabaril.
Sa ngayon ay patuloy pa ang pursuit operation ng mga otoridad laban sa mga suspek . Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na personal grudge ang nasa likod sa nasabing pamamaril sa mag kapatid.(with report from Jesy Ali)

Facebook Comments