Nakakulong na sa Senado ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani na parehong opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Ang magkapatid na Dargani ay naaresto ng mga tauhan ng Office of the Senate Sargeant at Arms sa Davao International Airport.
Ayon kay Senate Sergeant at Arms Ret. Gen. Rene Samonte, lilipad sana sina Mohit at Twinkle patungo sa Kuala Lumpur, Malaysia sakay ng chartered plane na nanggaling sa Singapore.
Na-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee ang magkapatid na Dargani noong October 19 dahil sa pagtanggi nilang magsumite sa Senado ng financial records ng Pharmally.
Kasama na nilang nakakulong sa Senado ang isa pang opisyal ng Pharmally na si Linconn Ong.
Facebook Comments