Magkapatid na Parojinog, patungo na ng Camp Crame

Manila, Philippines – Bago mag-alas nuwebe ngayong umag dumating sa NAIA 3 sina Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez at kapatid nitong si Reynaldo Jr.

Sakay ng Philippine Airlines, dumating sa naia 3 ang magkapatid na Parojinog na nakaposas at escorted ng mga pulis.

Matapos ang kanilang pagdating sa NAIA 3 ay agad na coaster ang magkatapatid patungo ng Camp Crame.


Una nang ni-raid kahapon ng madaling araw ang tahanan ng mga Parojinog kung saan labing-lima ang napatay sa nasabing operasyon kabilang na sina Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog; maybahay na si Susan; at kapatid na si Provincial Board Member Octavio Parojinog.

Facebook Comments