Kahit pa nasa General Community Quarantine na lamang ang lalawigan ng Pangasinan, marami pa ring mga may magagandang loob ang nag-bibigay tulong para sa mga pangasinense. Kabilang dito ang Vasandani Brothers na sina Dr. Ashok Vasandani at si Mr. Rocky Vasandani, na minsan ng nag trending sa internet dahil sa ipinamigay nitong mga kumot at unan noong kasagsagan ng krisis sa bulkang Taal.
Kilala sila bilang mga philanthropists na matagal ng nagbibigay tulong sa panahon ng may nangangailangan ng tulong. Nitong nakaraang May 12, 2020, nagbigay sila ng 100 sacks of 20 kilo rice sa Dagupan City upang ipamahagi sa mga apektadong mamamayan dahil sa covi19. Noong May 13 naman ay sa Calasiao sila nag-paabot ng tulong kung saan namigay sila ng 150 sacks of 20 kilo rice. Taos pusong nagpasalamat ang mga alkalde ng Dagupan City at Calasiao dahil sa tulong na ipinaabot ng Vasandani brothers.
Great jod mga idol!