Magkapatid na tokhang surrenderees, patay ng barilin ng riding in tandem

Misamis Oriental – Patay ang dalawang magkapatid nang barilin ng riding in tandem kagabi sa Villanueva, Misamis Oriental.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Clinton Japos, 24 anyos at Jovinile Japos, 21 anyos.

Binaril sa ulo at katawan ang magkapatid habang nasa labas ng kanilang bahay.


Narecover naman ng kapulisan sa area ang empty shell ng 9mm at kalibre 45 na mga armas na siyang ginamit ng mga suspek.

Napag-alaman na dati ng sumuko sa kapulisan ang magkapatid dahil nasangkot sa illegal na droga.

Facebook Comments